Happy Father's Day!
Gusto kitang maalala na buhay pa. Ayokong magpunta sa sementeryo. Ayokong makita ang malaking parihabang konkreto kung saan ka nakahimlay. Basta ang alam ko, buhay ka sa isip ko. Nakangiti. Nakatawa. Nakatanghod sa may bintana habang nag-aabang ako ng tricycle.
Kainis. Sa Sunday, Father's Day na. Di ko alam kung saan ako pupunta ng araw na yun. Paniguradong magiging madrama ang service ng Church sa darating na linggo. Ayoko nang umiyak. Ayokong isipin na namimiss na naman kita.
Kung nasaan ka man, Happy Father's Day. Pero hindi ako happy. Kahit na isang ngiti, wala kang mahihita sa kin.
Labels: Father's Day

2 Comments:
This blog entry touched my heart. My father is now in the hospital fighting for his life....
May God bless you with His comfort always!
kape, musta na? long time no update. miss u!
Post a Comment
<< Home